Municipal Gymnasium, Namugong, Poblacion – 109 na solo parents mula sa anim na barangay ng Hungduan ang dumalo sa matagumpay na 2nd Hungduan Solo Parents General Assembly na ginanap noong ika-25 ng Agosto taong 2022.

Kabilang sa programa para sa nasabing Assembly ay ang pagpresenta ng 2021 Annual Accomplishment ng organisasyon; pagbahagi ng kaalaman tungkol sa Republic Act 11861 (Expanded Solo Parents Welfare Act), Municipal Ordinance on Solo Parents at Akreditasyon ng mga Civil Society Organization; at ang paghalal ng mga panibagong opisyal ng organisasyon.

Mga bagong halal na opisyal ng Hungduan Solo Parents para sa taong 2022-205: President-Olivia Alangwawi; Vice-President- Virginia Guintican; Secretary-Divina Atabay; Treasurer- Avelina Natuplag; Auditor-Elena La Madrid; PRO-John Gumihid,Jr.; Business Managers-Imelda Dulnuan at Nancy Fate Puguon; Barangay Coordinators – Josefa Mondiguing (Abatan); Teresa Dano (Baang); Camia Anabon (Bangbang); Jenny Pacliw (Bokiawan); Dennis Tamondon (Lubo-ong); Maricel Tumitit (Maggok); Jenelyn Palatic (Nungulunan). #